Skip to Content

Announcement February 22, 2026

February 21, 2026 by
Announcement February 22, 2026
Sto Niño De Taguig Parish
1. Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang St. Peter the Apostle Sunday. Binibigyang
diin natin ang mga trainings and formation programs para sa mga pari, relihiyoso at
seminarista sa buong mundo. Bilang pagsuporta at kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering para sa mga intensyong ito. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog. Ang malilikom na halaga ay ipadadala natin sa Rome, Italy.

2. Magkakaroon po tayo ng Kumpilang Parokya sa April 11, 2026 para sa may edad
na  labindalawang taong gulang pataas . Ang requirements po ay Baptismal Certificate at First Communion Certificate. Ang deadline ng registration ay sa March 24, 2026.
Magpunta lamang po sa ating Parish Office para sa mga katanungan.

3. Ang nalikom para sa My Gift of Ten Sunday sa 4th Quarter mula October hanggang
December 2025 ay may kabuuang halaga na P142,249.

Ang halaga pong ito ay ginamit sa mga sumusunod na Pastoral activities :
* Immersion to Indigenous people (Aetas) at Botolan, Zambales
* Gift Pouch for Holy Ween for kids 
* Youth Assembly Night
* Christ the King Celebration 
* Basic Orientation Seminars for New Parish Servants
* Monthly Formation 
* Advent Recollection 
* Free Legal Service
* Bags of Blessings Distribution 
* Medicines, Bed sheets and other supplies for First Aid Center 
* Christmas Gift Giving

4. Nuong December 30, 2025, nagkaroon tayo ng Christmas Gift Giving mula sa mga
handog ninyo at mga kasaping parish organizations. Nakatanggap tayo ng 3,635
assorted goods na cheese, corned beef, kremdensada, fruit cocktail, spaghettin
noodles at spaghetti sauce. Upang mas lubos na matugunan ang pagbibigay sa 700
families na target recipients ay bumili pa po ng pampuno sa kakulangang items na
nagkakahalaga ng P77,525.70. Ito ay kinuha mula sa My Gift of Ten collections.

5. Ang Ministry of Altar Server o mga Sakristan ay naghahanap ng mga kabataang
lalaki para maging bagong miyembro, na may edad sampu hanggang labing walong
taong gulang (10 to 18 yrs old). Kailangan na sila ay binyagang Katoliko at nakatanggap na ng First Communion . Para sa mga interesado, maaaring kumuha ng
Application Form sa ating Parish Office. Ang deadline ng submission ng application
form ay sa March 15, kasama ang mga hinihinging requirements.

6. Sinisimulan na po nating ipagawa ang stock room ng mga gamit ng simbahan sa tabi ng Adoration Chapel. Layunin nito na magkaroon ng maayos na lalagyan ang ating mga gamit. Gayundin, magpapagawa tayo ng storage area para sa mga sacred images upang mapangalagaan nang husto ang mga ito. Nananawagan po kami sa inyo para sa inyong tulong-pinansyal upang maisakatuparan natin ang mga ito. Magsadya na lamang po ang mga nais tumulong sa Parish Office para mabigyan ng kaukulang resibo.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating
Parokya ng Sto.Niño de Taguig.

Ang inyong kalakbay,

Rev.Fr. Orlin Ordona 
Kura Paroko
Share this post