Skip to Content

April 5, 2026 Church Sunday Announcement

April 4, 2026 by
April 5, 2026 Church Sunday Announcement
Sto. Niño de Taguig Parish
1. Ngayon po ay 1st Sunday of the Month. Bago mag final blessing ang paring
tagapagdiwang ng banal na misa ay aanyayahan ang mga kapatid nating nagdiriwang
ng kanilang Birthday at Wedding Anniversaries para sa buwan na ito ng Abril. Mangyari lamang na pumunta sa harapan ng Altar kapag tinawag.

2. Kaalinsabay ng pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay, ay ang ating Easter
Egg Hunting sa paligid ng ating simbahan. Amin pong ipinapaalala na ang paghahanap ay magsisimula pagkatapos ng misa Upang makiha ang kalakip na premyo ng nahanap na itlog, pumunta lamang sa booth ng Parish Youth Council na makikita sa tabi ng Devotional Store ng ating Parokya. Bukas ito simula ng ika-anim ng umaga hanggang ika-labing isa ng umaga, at ika-tatlo ng hapon hanggang ika-anim ng gabi. Hindi po tatanggapin ang mga maagang nakakuha at hindi sumunod sa nakatakdang oras ng gawain. Maraming salamat po.

3. Sa mga hindi pa nagbabalik ng kanilang Lenten Pouch, kung maaari ay iaalay na po
natin ang mga ito. Ang malilikom na pondo ay nakalaan bilang pantulong sa mga
kapatid nating higit na nangangailangan.

4. Ang Migrants Ministry ay nag-aanyaya sa lahat ng pamilya ng Overseas Filipino
Workers (OFW) na magsimba tuwing ika-apat at kalahati ng hapon tuwing huling Linggo ng bawat buwan. Ito ay para sa patuloy na pagpapalakas ng ating Migrants Ministry sa ating Parokya.

5. Ang Family and Life Ministry ng ating Parokya ay malugod po na nag-aanyaya sa
mga mag-asawa na dumalo sa Familia Empowered Christian Living Seminar o ECLS
na magsisimula sa ika-labing dalawa ng Abril 2026, Linggo, sa Sto.Niño de Taguig
Parish Formation Center sa ganap na Ikapito ng gabi. May walong(8) Sabado ng
Seminar na naglalayong hubugin ang mga mag-asawa sa pagbabalik loob sa ating
Panginoon at sa pagkakaroon ng maka kristiyanong pagbabago sa kanilang pamilya.
May mga naka Aqua Blue T-shirt na miyembro ng Familia na nasa harap ng ating
simbahan na mag-aanyaya sa inyo para sa simula ng bagong pag-asa, pananampalataya at pagmamahal. Halina at sama-sama tayong tumugon sa
panawagan ng Panginoon.

6. Sa susunod na Linggo, ika-labingdalawa ng Abril, ipagdiriwang natin ang Divine
Mercy Sunday. Inaanyayahan po ang lahat sa pagsisimba, pagpapalakas ng
debosyon, at pagiging kasapi ng mga Divine Mercy Devotees.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating
Parokya ang Sto.Niño de Taguig Parish

Ang inyong kalakbay,

Rev.Fr. Orlin Ordona 
Kura Paroko




Share this post