1. Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Saint John Marie Vianney Sunday. Si San Juan Marie Vianney ay ang santo ng mga pari. Binibigyang pansin po natin ang kinakailangang patuloy na paghuhubog sa mga pari sa buong Pilipinas. Bilang pagsuporta, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering na ipadadala sa CBCP Commission on Clergy. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ngayon po ay First Sunday of the Month. Bago ang final blessing, ang paring tagapagdiwang ng banal na misa ay mag-aanyaya sa mga kapatid nating nagdiriwang ng kanilang Birthday at Wedding Anniversaries para sa buwan na ito ng Agosto. Mangyari lamang po na pumunta sa harap ng ating altar kapag tinawag.
3. Muli po ang paalaala na sa darating na Huwebes, August 6, 2026, unang Huwebes ng buwan ay gaganapin natin ang " Sto.Niño Day ". Ito ay naglalayon para mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron. Lahat ng makikiisa ay inaanyayahan na magdala ng imahe ng Sto.Niño at magsuot ng Sto.Niño Red shirt. Paki sama na din po ang ating mga maliliit na bata. Paki tandaan po natin ito.
4. Ang Our Lady of Fatima Chapel Council ay nag-aanyaya sa lahat para sa kanilang Pilgrimage sa Lucban, Quezon na gaganapin sa ika-labing siyam ng Setyembre 2026. Ito ay may temang " Hakbang para kay Maria ". Ang mga bahay dalanginan ay ang mga sumusunod :
1. Diocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe, Pagsanjan, Laguna
2. Healing Church of the Risen Christ Shrine known as " Kamay ni Hesus ", Lucban, Quezon
3. Missionary Catechists of St.Therese of the Infant Jesus, Tayabas, Quezon
4. St. Louis Bishop Parish Church and Diocesan Shrine of St.Isidore, Lucban, Quezon.
Ang Pilgrimage contribution ay nagkakahalaga ng P 1,700 pesos kasama na po ang T-shirt, prayer leaflets at transportation. Ang deadline ng payment ay sa August 31, 2026. Mangyari lamang po na makipag-ugnayan ang mga interesado kay Sis Zeny Garcia at Sis Gloria Lapitan ng Our Lady of Fatima Chapel Council para sa registration. Paki tingnan na lamang po ang tarpaulin sa harap ng ating simbahan.
5. Ang Volunteer Catechists - VolCats ay magkakaroon ng taunang Recruitment Month simula po ngayong August 2, hanggang August 30, 2026. Kung ikaw ay 16 taong gulang pataas at may pusong handang maglingkod sa pamamagitan ng pagtuturo ng Katesismo sa mga bata, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng misyong magpalaganap ng pananampalataya at pag-ibig ng Diyos sa kabataan. Para sa karagdagang impormasyon magtungo lamang po sa kanilang booth na matatagpuan sa harap ng simbahan, katabi ng devotional store. Maaari ding mag message sa FB Page : www.facebook.com/volunteercatechist1992
6. Ang Sto.Niño de Taguig Men's Choir ay kasalukuyang naghahanap ng mga kabataang lalake, may edad labing-pito (17 yrs.old) pataas, na may talento at may hilig sa pag-awit. Kung kayo ay isang binyagang katoliko at handang maglaan ng panahon para sa mga ensayo, paglilingkod sa mga misa at iba pang aktibidad sa loob at labas ng ating parokya, kayo ay malugod naming iniimbitahang sumali. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring hanapin si Bro Ivan Landaos (Men's Choir coordinator) tuwing araw ng Linggo sa ating parokya. Maaari ring mag message sa kanilang FB Page na Sto.Niño de Taguig Men's Choir o mag email sa sntmenschoir@gmail.com
Nagpapasalamat at Nananawagan,
Rev.Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko