Skip to Content

August 23, 2026 Church Sunday Announcement

August 22, 2026 by
August 23, 2026 Church Sunday Announcement
Sto. Niño de Taguig Parish
| No comments yet

1.  Ang nalikom sa Special Financial Offering para sa Saint John Maria Vianney Sunday noong August 9, 2026 ay P36, 456. Ito ay ipadadala natin sa Commission on Clergy ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines bilang suporta sa patuloy na paghuhubog ng mga pari sa buong Pilipinas.

 

2. Sa August 29, 2026, Sabado, sa ganap na Ikapito ng gabi. Ang lahat ng EXECOM officers, Parish Pastoral Council representatives at ang mga Parish Servants ay inaanyayahan na dumalo sa Parish Orientation Seminar bilang paghahanda sa pastoral visit ng ating mahal na obispo, Bp. Mylo Hubert Vergara sa susunod na taon.  Kapapalooban ang seminar na ito ng pagtalakay sa mga katanungan kaugnay sa ating parish programs at ang implementation ng diocesan synodal programs. Pakitaandaan po natin ito.

 

3. Ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mama Mary ay gaganapin natin sa September 8, 2026, Martes, sa ganap na ika-6 ng gabi na Misa. Kaugnay nito, inaanyayahan po ang lahat na mag-alay ng cake, puto, bibingka, pansit, palabok, spaghetti, at iba pa po na pagsasaluhan pagkatapos ng nasabing Misa.  Halina at makiisa tayo sa masayang pagdiriwang nag pasasalamat sa Diyos para sa biyaya ng Mahal na Inang Maria sa ating buhay.

 

4. Ang Our Lady of Fatima Chapel Council ay nag-aanyaya sa lahat para sa kanilang Pilgrimage sa Lucban, Quezon na gaganapin sa ika-labing siyam ng Setyembre 2026. Ito ay may temang " Hakbang para kay Maria ". Ang mga bahay dalanginan ay ang mga sumusunod : 

      1. Diocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe, Pagsanjan, Laguna 
      2. Healing Church of the Risen Christ Shrine known as " Kamay ni Hesus ",                       Lucban, Quezon 
     3. Missionary Catechists of St.Therese of the Infant Jesus, Tayabas, Quezon 

     4. St. Louis Bishop Parish Church and Diocesan Shrine of St. Isidore, Lucban,                   Quezon 


     Ang Pilgrimage contribution ay nagkakahalaga ng P1,700 pesos kasama na po ang T-shirt, prayer leaflets at transportation. Ang deadline ng payment ay sa August 31, 2026. Mangyari lamang po na makipag-ugnayan ang mga interesado kay Sis Zeny Garcia at Sis Gloria Lapitan ng Our Lady of Fatima Chapel Council para sa mga registration. Paki tingnan na lamang po ang tarpaulin sa harap ng ating simbahan / Chapel.

  

5. Patuloy ang panawagan para sa nalalapit na Kasalang Parokya sa darating na October 24, 2026. Hinihikayat po ang lahat na hindi pa kasal sa simbahan at ang mga nagsasama na ng limang taon o higit pa. Nagsimula na po ang registration at ang deadline ay sa September 20, 2026. Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan na lamang po sa opisina ng ating Parokya.

 

6. Ang mga kabataan ng parokya o ang Parish Youth Council (PYC) ay magsasagawa ng Outreach Program at Community Exposure sa mga kapatid nating Aeta sa darating na Setyembre. Layon nitong maiparanas sa mga lingkod-kabataan ang paglilingkod sa labas ng simbahan. Kaugnay nito, sila ay magsasagawa ng isang donation drive na ibabahagi sa nasabing komunidad. Maaari po kayong magbigay ng mga bigas, canned goods, school supplies, o maayos pang mga lumang damit at mga laruan. Sa mga nais pong magpaabot ng tulong at para sa dagdag impormasyon, maaari lamang pong makipag-ugnayan kay Cyrian Aratia, PYC Coordinator, o maaari din kayong mag-iwan ng mensahe sa kanilang Facebook Page, ang Parish Youth Council - Sto.Niño de Taguig Parish. Maraming salamat po!

 

7. Ang Volunteer Catechists - VolCats ay magkakaroon ng taunang Recruitment Month. Kung ikaw ay 16 yrs old pataas at may pusong handang maglingkod sa pamamagitan ng pagtuturo ng Katesismo sa mga bata, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng misyong magpalaganap ng pananampalataya at ng pag-ibig ng Diyos sa kabataan. Para sa karagdagang impormasyon magtungo lamang po sa kanilang booth na matatagpuan sa harap ng simbahan, katabi ng devotional store. Maaari ding mag message sa FB Page : www.facebook.com/volunteercatechist1992

 

Nagpapasalamat at Nananawagan,

 

Rev. Fr. Orlin Ordona 

Kura Paroko 


Share this post
Sign in to leave a comment