1. Noong nakaraang Linggo, ipinagdiwang natin ang National Bible Sunday, kaugnay po nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Ang malilikom na halaga ay ipadadala sa Regional Biblical Center and Episcopal Commission for the Biblical Apostolate. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Sa February 2, 2026, Lunes, sa ganap na ika-anim ng umaga, ipagdiriwang natin ang Feast of the Presentation of the Lord o ang Kapistahan ng Candelaria. Hinihikayat po ang lahat na magdala ng kandila na babasbasan sa simula ng Banal na Misa. Paki tandaan po natin ito.
3. Sa Martes, February 3, 2026, sa ika-anim ng umaga ay ating ipagdiriwang ang paggunita kay San Blas, Obispo at Martir. Kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng pagbabasbas ng lalamunan o blessing of the throat. Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa Banal na Misa. Huwag po natin itong kalilimutan.
4. Ang El Shaddai DWXI - Prayer Partners Fellowship International Inc. Sto. Niño De Taguig Chapter ay magdiriwang ng ika - 38th Anniversary sa February 5, 2026, Huwebes sa ganap na ika-tatlo ng hapon hanggang ika-siyam ng gabi na gaganapin sa San Lorenzo Ruiz Chapel. Ang lahat ay inaanyayahan na dumalo, maki-isa at sama-sama nating pasalamatan, papurihan at sambahin ang ating dakilang Yahweh El Shaddai.
5. Muli po ang paalaala na sa darating na Huwebes, February 5, 2026, unang Huwebes ng buwan ay gaganapin natin ang " Sto.Niño Day ". Ito ay naglalayon para sa mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron sa pagmamagitan ng mga banal na gawain tulad ng pagno-novena sa Sto.Niño, prusisyon sa paligid ng Parish Church, pag-aalay ng kandila bago magsimula ang Misa at ang pagsasayaw ng imahe ng Sto.Niño. Lahat ng makikiisa ay inaanyayahan na magdala ng imahe ng Sto.Niño at magsuot ng Sto.Niño Red shirt. Paki sama na din po natin ang mga maliliit na bata. Paki tandaan po ito.
6. Sa ika-labing isa ng Pebrero Miyerkules , ay ang Kapistahan ng Our Lady of Lourdes at World Day of the Sick. Kaugnay nito magkakaroon po tayo ng Healing Mass sa ganap na ika-siyam ng umaga. Inaanyayahan po ang lahat na may sakit na dumalo. Paki tandaan po natin ito.
7. Malapit na po ang Miyerkules ng Abo sa ika-labingwalo ng Pebrero. Tinatawagan po namin ang lahat na mayroong mga lumang palaspas na dalhin na ang mga ito sa ating parish church at ilagay malapit sa Adoration Chapel para maisama sa gagawing abo.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong kalakbay,
Kura Paroko