Skip to Content

January 11, 2025 Church Sunday Announcement

January 10, 2026 by
January 11, 2025 Church Sunday Announcement
Sto Niño De Taguig Parish
A. Mga kapatid, malapit na po ang Kapistahan ng ating minamahal na Parokya, ang Sto. Niño de Taguig, na mayroong tema : " Pagpapalaganap ng Pananampalataya ng Komunidad". Narito po ang ilan sa mga gawain ng ating Parokya para sa nasabing Kapistahan;

1.  January 9 to 16 po ang ating mga Misa Nobenario sa tuwing Ika-anim ng gabi

2. Sa January 9 to 17 ang sunduan ng Imahen ng Sto. Niño. Ang imahen ay pupunta sa bawat kawan o Komunidad simula sa ika-pito ng umaga at mananatili ito maghapon at pagkatapos ay ibabalik sa ating Parokya matapos ang nasabing araw na naitakda sa kawan.

3. Sa January 17, Saturday, ay ng Reyna Juana Float Parade sa ganap na ika-isa ng hapon.

4. Sa January 17 pa rin, Saturday, huling araw ng Misa Nobenario, ang misa ay sa ganap na ika-lima ng hapon na susundan ng Solemn Procession. Magdala po tayo ng kandila na may pansalo, magsuot ng Sto. Nino shirt o pulang damit at magdala ng imahen ng Sto.Niño.

5. Sa January 18, Linggo, ay ang Kapistahan ng ating Parokya.  Ang Solemn High Mass ay sa ganap ng ika-siyam at kalahati ng umaga (9:30am) na pangungunahan ni Bishop Mylo Hubert C. Vergara, Obispo ng Diocese of Pasig. Pagsapit ng ika-12 ng tanghali ay gaganapin ang Dayuhanon Festival at sa ika-dalawa ng hapon naman ay ang Festive procession. Sa gabi ang Solemn High Mass ay ipagdiriwang ika-anim ng gabi na pamumunuan ni Rev. Fr. Orlin kasama si Rev. Fr. Cedric.

6.  Patuloy po kaming nananawagan sa nais tumulong sa mga gastusin sa ating kapistahan lalo na sa mga pagkain ng maraming marshalls para sa mga prusisyon sa January 17 at 18.  Kung maaari ay magsadya na lamang po kayo sa parish office para sa kaukulang resibo.

B. Patuloy pa rin ang pagbibigay-diin ngayong buwan ng Enero bilang National Bible Month. Sa pangunguna ng ating Parisble Apostolate group, mayroong booth sa gilid ng Parish Devotional Store tuwing Linggo ng buwan na ito simula sa ika-anim ng umaga hanggang ika-sampu ng umaga, at ika-apat ng hapon hanggang Ika-anim ng gabi. Mayroon mga display ng iba'tibang versions ng biblia, libreng babasahin, leaflets at iba pa. Maglalagay din ng libreng Photo Booth sa labas ng ating simbahan katabi ng Devotional Store. Magsadya na lamng po kayo sa booth na ito

C. Para sa Kapistahan pa rin ng Señor Sto.Niño sa ika-18 ng Enero 2026, may mga Fiesta Greetings tarpaulins na iniaalok sa lahat ng gustong tumulong sa ating parish fiesta.  Maaari po kayong mag-sponsor sa pamamagitan ng paglalagay ng inyong pangalan o pangalan ng inyong pamilya  sa tarpaulin at ilagay sa mga bintana o gate ng inyong tahanan.para sa kapistahang ito.  Ang tarpaulin ay nagkakahalaga ng P500.  Pakipuntahan na lamang ninyo ang booth sa labas ng simbahan at makipag-ugnayan sa sinumang kasapi ng Ministry of Greeters and Collectors.

Para sa iba pang gawain para sa ating nalalapit na Kapistahan ay mangyari lamang na bisitahin ang ating Facebook page Sto.Niño de Taguig Parish. Tara na, maki-isa at makibahagi sa ating nalalapit na Kapistahan, Viva Sto. Niño!

Ang inyong kalakbay,


Rev.Fr. Orlin Ordona

Kura Paroko

Share this post