1. Sa pagdiriwang natin ngayon ng Solemnity of the Epiphany of the Lord, kasabay nito ay atin ding ipinagdiriwang ang Pro Nigritis Sunday o ang misyon sa Africa. Binibigyang pansin natin ang mga misyonerong lingkod na nagmamalasakit sa mga kapos palad sa Africa. Kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Ang malilikom na halaga ay ipadadala natin sa Rome, Italy para sa African missions. Maraming salamat po.
2. Ngayon po ay 1st Sunday of the Month. Bago mag final blessing ang paring tagapagdiwang ng banal na misa ay mag-aanyaya ang mga kapatid nating nagdiriwang ng kanilang Birthday at Wedding Anniversaries para sa buwan ng Enero. Mangyari lamang na pumunta sa harapan ng ating altar kapag tinawag na kayo.
3. Mga kapatid, nalalapit na po ang Kapistahan ng ating minamahal na Parokya ,ang Sto.Niño de Taguig, na mayroong tema : " Pagpapalaganap ng Pananampalataya ng Komunidad ". Narito po ang mga ilan sa mga gawain ng ating Parokya para sa nasabing Kapistahan.
1.January 8, Thursday, ay Fiesta Pasinaya Procession
Ito ay sa ganap na ika-apat ng hapon mula sa San Lorenzo Ruiz Chapel patungo sa ating Parish church.. Hudyat ito sa nalalapit nating Kapistahan.
2. January 9 to 17, ay ang ating mga Misa Nobenario
Sa tuwing ika-anim ng gabi maliban sa huling araw ng Misa Nobenario sa January 17, kung saan ang misa ay gaganapin sa ika-lima ng hapon.
3. Sa January 9 to 17, ay magkakaroon din po ng sunduan ng Imahen ng Sto.Niño. Ang imahen ay pupunta sa bawat kawan o komunidad at mananatili ito maghapon at pagkatapos ibabalik sa ating Parokya matapos ang nasabing araw na naitakda sa kawan.
Sisimulan na rin natin ang novena masses simula Jan 9 (Biyernes) sa ganap na ika-anim ng gabi. Gaganapin din natin ang “SUNDUAN” ng imahen ng Sto. Nino sa iba’t ibang kawan o komunidad tuwing ika-pito ng umaga na magsisimula naman sa ating parish church
4. January 10, Saturday naman, ay gaganapin ang Reyna Juana Gabi ng Parangal sa ika-pito ng gabi sa Sto.Niño Catholic School Covered Court.
5. January 17, Linggo, ay magkakaroon ng Reyna Juana Float Parade ganap na ika-tatlo ng hapon.
Para sa iba pang gawain para sa ating nalalapit na Kapistahan ay mangyari lamang na bisitahin ang ating Facebook page Sto.Niño de Taguig Parish. Tara na maki-isa at makibahagi sa ating nalalapit na Kapistahan, Viva Sto.Niño!
6. Ang buwan ng Enero ay itinalaga bilang National Bible Month ng ating Simbahan. Sa pangunguna ng ating parish bible apostolate group, maglalagay tayo ng booth sa gilid ng parish devotional store tuwing lingo ng buwan na ito simula ika-anim ng umaga hanggang ika-sampu ng umaga, at ika-apat ng hapon hanggang ika-anim ng gabi. Mayroon mga display ng iba’t ibang versions ng biblia, libreng babasahin, leaflets at iba pa. Maglalagay din ng libreng Photo Booth sa labas ng ating simbahan katabi ng Devotional Store. Magsasagawa din ng bible trivia quiz na mayroong souvenir prizes sa mga misa ng linggo. Halina’t makiisa tayo sa mahalagang gawaing ito.
7. Muli sa darating na Kapistahan ng Señor Sto.Niño sa January 18, magkakaroon tayo ng Dayuhanon Festival. Ito ay bukas para sa grupo ng mga estudyante mula sa iba't-ibang school sa Signal Village at sa mga kasapi na parish organizations. Maaaring mag accomplish lang ng Registration Form na downloadable sa Sto.Niño de Taguig Parish Community Page, at i-submit sa Parish Office hanmggang January 7, 2026.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong kalakbay,
Kura Paroko