Skip to Content

July 5, 2026 Church Sunday Announcement

July 4, 2026 by
July 5, 2026 Church Sunday Announcement
Sto. Niño de Taguig Parish
| No comments yet

1. Ngayon po ay Unang Linggo sa Buwan ng Hulyo. Bago mag final blessing ang paring tagapagdiwang ng banal na misa ay mag-aanyaya sa mga kapatid nating nagdiriwang ng kanilang Kaarawan at Anibersaryo ng Kasal para sa buwan na ito upang basbasan. Mangyaring pumunta na lamang sa harap ng altar ang mga kinauukulan kapag tinawag. 

 

2. Patuloy pa ang panawagan para sa masayang pagdiriwang sa ating nalalapit na Parish Concert for a Cause na pinamagatang " Apat na Dekada : Pagpapasalamat, Ugnayan, at Kagalingan ". Gaganapin ito sa July 25, Sabado, ika-pito ng gabi sa school grounds ng Sto.Niño Catholic School. Katatampukan ito ng mga piling paring aawit : Fr. Albert Absalon, Fr. Adam Arellano, Fr. Choi Gliponeo, Fr. Tofee de Leon, Fr. Lito Jopson, Fr. Felix Gutierrez at Fr. Orlin Ordona. Meron ding mga ibang panauhin. At ang concert host ay sina Fr. Mike Gazzingan at Fr. Hero de Honor. Ito rin ay naglalayong makalikom ng sapat na pondo para isagawa ang maraming mahahalagang programa natin kaugnay ng ating 40th year anniversary.  Ang ticket ay nagkakahalaga ng One thousand pesos (1,000) na may kalakip na commemorative 40th Anniversary Pin at snacks para sa concert. Ang mga nagnanais bumili ng Concert Tickets ay maaari pong makipag-ugnayan sa mga  parish servants na nasa labas ng ating simbahan. Halina! Tangkilikin natin ang napakahalagang gawaing ito, makiisa at magsaya!

 

3. Tayo po ay magkakaroon ng Kasalang Parokya sa darating na October 24, 2026. Hinihikayat po ang lahat na hindi pa kasal sa simbahan at ang mga nagsasamang hindi pa kasal ng limang taon o higit pa. Nagsimula na po ang registration at ang deadline ng ay sa September 20, 2026. Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan na lamang po sa opisina ng ating Parokya.

 

4. Ang Extraordinary Ministers of the Holy Communion (EMHC) ay nag-aanyaya sa mga nagnanais na maging miyembro ng kanilang Ministry na may edad 25 yrs.old hanggang 70 yrs.old. Para sa mga may asawa, kailangan na kasal sa simbahan. Makipag-ugnayan na lamang po ang mga interesado sa opisina ng ating Parokya o sa mga kasapi ng EMHC para sa mga karagdagang impormasyon.

 

5. Ang Sto.Niño de Taguig Men's Choir ay kasalukuyang naghahanap ng mga kabataang lalake, may edad labing-pito (17yrs.old) pataas, na may talento at may hilig sa pag-awit. Kung kayo ay isang binyagang katoliko at handang maglaan ng panahon para sa mga ensayo, paglilingkod sa mga misa at iba pang aktibidad sa loob at labas ng ating parokya, kayo ay malugod naming iniimbitahang sumali. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring hanapin si Bro. Ivan Landaos (Men's Choir coordinator) tuwing araw ng Linggo sa ating parokya. Maaari ring mag message sa kanilang Facebook Page na Sto.Niño de Taguig Men's Choir o mag email sa sntmenschoir@gmail.com 

6. Ang Young Servants of the Lord (YSL), ay nag-aanyaya sa lahat ng kabataang edad pito hanggang labing-limang taong gulang (7-15yrs.old) na nais magbahagi ng kanilang talento, oras, at kakayahan para sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan. Sa mga interesado mag punta lamang sa kanilang YSL Recruitment Booth  na matatagpuan sa harap ng ating simbahan, katabi ng devotional store, tuwing Linggo simula ikalawa  hanggang ika-lima ng hapon. Maaari din kayong mag message sa kanilang Facebook Page : www.facebook.com/ysl.snp

 

7. Ngayon darating na July 21, 2026, ay ipagdiriwang ang ika-86 na anibersaryo ng Buwan ng Kamalayan ng Legion of Mary sa Pilipinas, na itinalaga noong July 21, 1940. Bilang bahagi ng selebrasyon, kami ay nag-aanyaya sa inyo na maging kasapi ng Legion of Mary na may edad 12-17 yrs.old ( Junior member ) at edad 18 yrs.old pataas ( Senior member ). Para po sa mga interesado, maaari po kayong lumapit sa mga miyembro pagkatapos ng misa o bisitahin ang kanilang booth sa labas ng ating simbahan.

 

Nagpapasalamat at Nananawagan,

 

Rev. Fr. Orlindo Ordoña 

Kura Paroko

Share this post
Sign in to leave a comment