Skip to Content

March 1, 2026 Church Sunday Announcement

February 28, 2026 by
March 1, 2026 Church Sunday Announcement
Sto Niño De Taguig Parish
1. Ang nalikom sa Special Financial Offering noong February 15, 2026, Sunday, 
​para My Gift of Ten Sunday ay  P45,562. 

​Narito po ang breakdown :
​San Lorenzo Ruiz Chapel - 2,367.00
Divine Mercy Chapel - 492.00
Our Lady of Fatima Chapel - 4,649.00
Sto.Niño Parish  - 38,054.00
Total = 45,562.00

​Maraming salamat po sa inyong mga handog. Ang halagang ito ay patuloy po ​nating ginagamit sa marami nating Parish Activity.

2. Ngayon po ay First Sunday of the Month. Bago mag final blessing, ang paring
​tagapagdiwang ng banal na misa ay mag-aanyayahan sa mga kapatid nating
​nagdiriwang ng kanilang Birthday at Wedding Anniversaries para sa buwan na ito ng
Marso. Mangyari lamang na pumunta sa harap ng ating altar kapag tinawag na po.

3. Muli po ang paalaala na sa darating na Huwebes, March 5, unang Huwebes ng
buwan ay gaganapin natin ang & "Sto. Niño Day" sisimulan sa ganap na ika-5:30 ng gabi. Ito ay naglalayon para sa mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron Senor Sto Nino. Lahat ng makikiisa ay inaanyayahan na magdala ng imahe ng Sto. Niño at magsuot ng Sto. Niño Red shirt. Pakisama na din po natin ang mga maliliit na bata. Paki tandaan po natin ito.

4. Sa March 7, 2026, Sabado, magkakaroon po tayo ng Parish Lenten Recollection sa
ganap na Ikapito at kalahati ng gabi (7:30 pm) na may topic: From Conversion to
Communion - A Joy of Repentant Heart. Ito ay ibabahagi ni Fr. Dominic Gapayao.
assistant parish priest sa Immaculate Conception Cathedral, Pasig. Inaanyayahan po ang lahat na dumalo. Paki tandaan po natin ito.

5. Ang Migrants Ministry ay nag-aanyaya sa lahat ng pamilya ng Overseas Filipino
Workers (OFW), na magsimba ngayong araw ng Linggo sa ganap na ika-apat at
kalahati ng hapon (4:30pm). Ito ay para sa patuloy na pagpapalakas ng ating Migrants
Ministry sa ating Parokya.

6. Noong February 11, 2026, ipinagdiwang natin ang 39th Founding Anniversary ng
ating Parokya. Kaugnay nito, ngayong Linggo ang ating mga lingkod simbahan ay
mayroong Parish Servants Recruitment Day sa harapan ng ating simbahan. Hinihikayat ang lahat na maglingkod sa ating Parokya ng naaayon sa biyayang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon. Maaari din pong magpalista ang mga mayroong special skills para sa mga parish project. Paki bisita na lamang ang mga booth ng different ministry sa harapan ng ating simbahan.

7. Ang Ministry of Altar Servers o mga Sakristan ay naghahanap ng mga kabataang
lalaki para maging bagong miyembro, na may edad sampu hanggang labing walong
taong gulang (10-18yrs.old). Kailangan na sila ay binyag sa Katoliko at nakatanggap na
ng First Communion. Para sa mga interesado, maaaring kumuha ng Application Form
sa ating Parish Office. Ang deadline ng submission ng application form ay sa March 15, 2026, kasama ang mga hinihinging requirements.

8. Magkakaroon po tayo ng Kumpilang Parokya sa darating na April 11, 2026, para sa
may edad na labindalawang taong gulang pataas. Ang requirements po ay Baptismal
Certificate at First Communion Certificate. Ang deadline ng registration ay sa March 24, 2026. Magpunta lamang po sa acting Parish para sa may mga katanungan.

9. Ipinagpapatuloy natin ang pagpapagawa ang stock room at parish storage area para sa ating mga sacred images upang mapangalagaan nang husto ang mga ito.
Nananawagan po kami sa inyo para sa inyong tulong-pinansyal upang maisakatuparan natin ang mga ito. Magsadya na lamang po ang mga nais tumulong sa Parish Office para mabigyan ng kaukulang resibo.

10. Ngayong panahon ng Kwaresma hindi po muna tayo papalakpak pagkatapos ng
Banal na Misa upang bigyang diin na ang Kwaresma ay panahon ng malalim na pagsisisi at pagsasakripisyo.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating
Parokya ang Sto. Niño de Taguig.

Ang inyong kalakbay,

Rev. Fr. Orlin Ordona 
Kura Paroko

Share this post