Skip to Content

March 22, 2026 Church Sunday Announcement

March 20, 2026 by
March 22, 2026 Church Sunday Announcement
Sto. Niño de Taguig Parish
1. Magkakaroon po tayo ng Kumpisalang Parokya sa darating na March 26, 2026, Thursday, sa ganap na Ikapito ng gabi. Hinihikayat po ang lahat na mangumpisal at magbalik loob sa Diyos sa pamamagitan ng Sakramento ng kumpisal, higit lalo na sa panahon ng kuwaresma. Paki tandaan po natin ito.
 
2.  Mayroon po tayong Kumpilang Parokya sa darating na APRIL 11, 2026, para sa may edad na labindalawang taong gulang pataas. Ang requirements po ay Baptismal Certificate at First Communion Certificate. Ang deadline ng registration ay sa March 24, 2026. Magpunta lamang po sa ating Parish Office para sa may mga katanungan.
 
3. Ang Family and Life Ministry ng ating Parokya ay malugod po na nag-aanyaya sa mga mag-asawa na dumalo sa Familia Empowered Christian Living Seminar or ECLS na magsisimula sa ika-labing dalawa ng Abril 2026, Linggo, sa Sto.Niño de Taguig Parish Formation Center sa ganap na Ikapito ng gabi. May walong (8) sabado ng Seminar na naglalayong hubugin ang mga mag-asawa sa pagbabalik loob sa ating Panginoon at sa pagkakaroon ng maka kristiyanong pagbabago sa kanilang pamilya. May mga naka Aqua Blue T-shirt na miyembro ng Familia na nasa harap ng ating simbahan na mag-aanyaya sa inyo para sa simula ng bagong pag-asa, pananampalataya at pagmamahal. Halina at sama-sama tayong tumugon sa panawagan ng Panginoon.
 
4. Ang Sto. Niño de Taguig Parish ay nananawagan sa mga nurse (retired o hindi) na nais mag volunteer ng hapon o gabi sa First Aid Center ng ating Parokya. Maaari po na magsadya sa First Aid Center na na matatagpuan sa entrance gate.
 
5. Ang Migrants Ministry ay nag-aanyaya sa lahat ng pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFW) na magsimba tuwing 4:30 ng hapon tuwing last Sunday ng bawat buwan. Ito ay para sa patuloy na pagpapalakas ng ating Migrants Ministry sa ating Parokya.
 
6. Ang DIVINE MERCY Apostolate ng Sto. Niño de Taguig Parish ay naghahanap ng mga miyembro. Ang grupong ito ay bagong relihiyosong grupo na isinusulong ng ating Diocese of Pasig na naglalayong ipalaganap ang Divine Mercy sa ating Parokya, tahanan, community at sa lahat ng mga Katoliko sa bansa. Hinihikayat din ang mga deboto ng Divine Mercy na magpa-enthrone ng Divine Mercy Image sa kanilang mga tahanan. Makipag-ugnayan na lang kay Sis Linda A.Gepitulan, Divine Mercy Apostolate coordinator ng Sto.Niño de Taguig Parish.
 
7. Inaanyayahan po ang lahat na tingnan ang mga schedule of activities sa Holy Week sa ating Tarpaulin na nakapaskil sa labas ng ating parish church, gayundin sa ating social media, at Facebook page. Ito ay para mabigyan tayo ng kaliwanagan sa mga kaganapan sa mga Mahal na Araw sa ating Parokya. Nawa ay makiisa tayo sa panawagang ito.
 
8. Sa March 29, 2026, Linggo ng Palaspas, ito po ang hanay ng ating pagdiriwang : 
         3:30AM - Rito ng Pagbabasbas ng Palaspas 
        4:00 AM - Prusisyon mula San Lorenzo Ruiz Chapel patungo Sto.Niño de Taguig        ​    Parish 
        5:00 AM - Banal na Misa 
 
Kaugnay nito ay pinapaalalahanan po ang lahat na ang pagbabasbas ng Palaspas ay gagawin sa simula ng mga Misa sapagkat ang pagbabasbas ay bahagi ng liturhiya sa Linggo ng Palaspas.. Para sa mga male-late na magpapabasbas ng palaspas, mangyari po na magpunta na lamang kayo sa school grounds ng Sto. Niño Catholic School at hintayin ang susunod na misa.
 
9. Paalala po na sa darating na Linggo ng Palaspas, iaalay na natin ang mga Lenten Pouch sa mga Misa. Ang mga ito ay iipunin at itutulong natin para sa mga kapatid natin dito sa Parokya na higit na nangangailangan. Huwag po natin itong kalilimutan.
 
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ang Sto.Niño de Taguig.
 
Ang inyong kalakbay,
 
 
Rev.Fr. Orlin Ordona 
Kura Paroko 
Share this post