1. Noong May 17, Sunday, ay ipinagdiwang po natin ang Solemnity
of the Ascension of the Lord, at ang World Communications Sunday ng Simbahan,
kaugnay nito magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering bilang suporta
sa Social Communication Ministry ng ating Diocese at ng ating Simbahan dito sa
Pilipinas. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ang nalikom para sa My Gift of Ten Sunday para sa buwan ng APRIL at MAY ay may kabuuang halaga na P 79, 151. Samantala, ang halaga pong ito ay ginamit sa mga sumusunod na Pastoral Activities tulad ng monthly formation, special execom meeting, parish council meeting, parish council office supplies, Santacruzan, Florestas, at tarpaulin ng organizational structure. Ang kabuuang halaga ay umabot sa 56, 182. Ang natitirang halaga na 22,969 ay itatabi para sa mga activities and projects ng parish sa mga susunod na linggo at buwan. Salamat po sa inyong mga handog.
3. Ang Taguig Volunteers in Prisons Service (TVIPS) ay nag-aanyaya sa lahat ng mga nais makiisa sa kanilang Easter Pilgrimage o Lakbay-Dasal 2026 sa darating na May 30, araw ng Sabado sa Pitong (7) Simbahan ng Diyosesis ng Cabanatuan (Nueva Ecija). Kasama na rito ang Minor Basilica ng La Virgin Divina Pastora ng Gapan Nueva Ecija. Ang halaga po na babayaran ay P2, 000 pesos. Sa mga nais sumama makipag-ugnayan lamang po kay Sis Melda Erese at Sis Carol Desuasido at paki tingnan po ang kanilang tarpaulin sa harap ng ating simbahan.
4. Ang Liturgia Musica Chorale ay nag-aanyaya sa lahat ng parishioners ng ating simbahan ng Sto.Niño de Taguig na may edad Labing-walo hanggang Tatlumpu't Limang taong gulang ( 18 - 35 yrs.old ), na mayroong talento sa pag-awit at handang maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng musika. Ang mga interesado o may katanungan, bisitahin at mag message sa kanilang FB Page : Liturgia Musica Chorale
5. Sa darating na Linggo, May 31, ay magkakaroon po ng Grand Alay Procession o Sagala ang mga bata bilang pagtatapos ng kanilang May Flower Activities. Gaganapin ito sa ika-apat at kalahati ng hapon (4:30pm) sa paligid ng ating Parokya. Pakitandaan po natin ito.
6. Ang Migrants Ministry ay nag-aanyaya sa lahat ng pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFW) na magsimba tuwing ika-apat at kalahati ng hapon (4:30pm) tuwing huling Linggo ng bawat buwan. Ito ay para sa patuloy na pagpapalakas ng ating Migrants Ministry sa ating Parokya.
Nagpapasalamat at Nananawagan,
Rev. Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko