1. Ngayong Linggo, kasabay ng pagdiriwang natin ng Dakilang Kapistahan ng Banal na Sangtatlo o Solemnity of the Most Holy Trinity, ipinagdiriwang din natin ang Basic Ecclesial Community (BEC) Sunday. Kinikilala natin ang mga programa at pagkilos ng mga Munting Pamayanang Krisitiyano sa pagsusulong ng pananampalatayang Kristiyano sa mga pamayanan at kapitbahayan. Bilang pagtulong, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Ang malilikom na halaga ay itutulong natin sa BEC programs ng ating parokya at ng ating diocesis. Pakihanda na lamang ang inyong mga handog.
2. Sa darating na June 3, Wednesday, ay mag uumpisa na po ang 9 - Days Novena Masses para sa darating na kapistahan ng Sacred Heart of Jesus sa June 12, 2026. Ang lahat po ay inaanyayahan.
3. Muli po ang paalaala na sa darating na Thursday, June 4, 2026, ay unang Huwebes ng buwan at gaganapin natin ang " Sto.Niño Day ". Ito ay naglalayon para sa mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa, magdala ng imahe ng Sto.Niño at magsuot ng Sto.Niño Red shirt. Paki sama na din ang ating mga maliliit na bata. Paki tandaan po natin ito.
4. Sa June 6, Saturday, magkakaroon po tayo ng Parish Monthly Formation sa ganap na Ikapito at kalahati ng gabi (7:30pm) na may topic : Articles of Faith Series: Articles # 4 : He suffered under Pontius Pilate, was crucified, died and was buried - Jesus died on the cross to save us. Ito ay ibabahagi ni Rev.Fr. Michael Gazzingan, Assistant Parish Priest ng Sto.Niño de Taguig Parish. Inaanyayahan po ang lahat na dumalo.
5. Sa darating namang Linggo, June 7, ipagdiriwang naman natin ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ni Krisrto o ang Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ. Kaugnay nito, mayroon tayong Holy Hour sa nasabing araw sa ganap na ika-isa at kalahati ng hapon (1:30pm) na susundan ng maigsing pusisyon bago ang banal na misa sa ikatlo ng hapon. Makiisa po tayo sa gawaing ito.
6. Bilang paghahanda sa ika-apatnapung taong anibersaryo ng ating Parokya (40th Parish Anniversary), magkakaroon po tayo ng Parish Concert for a Cause na pinamagatang : " Apat na Dekada : Pagpapasalamat, Ugnayan, at Kagalingan ". Gaganapin ito sa July 25, Sabado, ika-pito ng gabi sa school grounds ng Sto.Niño Catholic School. Katatampukan ito ng mga piling paring aawit : Fr. Albert Absalon, Fr. Adam Arellano, Fr. Tofee de Leon, Fr. Choi Gliponeo, Fr. Lito Jopson, Fr. Felix Gutierrez at Fr. Orlin Ordona. Meron ding mga ibang panauhin. At ang concert host ay sina Fr. Mike Gazzingan at Fr. Hero de Honor. Ang concert ticket ay nagkakahalaga ng One thousand pesos (1,000) lamang na may kalakip na commemorative 40th anniversary pin. Ito ay naglalayong makalikom ng sapat na pondo para isagawa ang maraming mahahalagang programa natin kaugnay ng ating 40th year anniversary. Halina! Tangkilikin natin ang napakahalagang gawaing ito, makiisa at magsaya!
7. Ang Liturgia Musica Chorale ay nag-aanyaya sa lahat ng parishioners ng ating simbahan ng Sto.Niño de Taguig na may edad Labing-walo hanggang Tatlumpu't Limang taong gulang (18-35 yrs.old), na mayroong talento sa pag-awit at handang maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng musika. Ang mga interesado o may katanungan, bisitahin at mag message sa kanilang FB Page : Liturgia Musica Chorale
8. Ang Migrants Ministry ay nag-aanyaya sa lahat ng pamilya ng Overseas Filipino Workers ( OFW ) na magsimba tuwing ika-apat at kalahati ng hapon (4:30pm) tuwing huling Linggo ng bawat buwan at pagkatapos ng misa ang paring tagapagdiwang ay patatayuin ang mga pamilya ng Overseas Filipino Workers para basbasan. Ang mga miyembro ng Migrants Ministry ay mamimigay ng leaflets sa labas ng ating simbahan para sa karagdagang information. Ito ay para sa patuloy na pagpapalakas ng ating Migrants Ministry sa ating Parokya.
Nagpapasalamat at Nananawagan,
Kura Paroko