1. Muli po ang paalaala na sa darating na December 4,2025, unang Huwebes ng buwan ay gaganapin natin ang "Sto.Niño Day ". Ito ay naglalayon para sa mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron sa pagmamagitan ng mga banal na gawain tulad ng pagno-novena sa Sto.Niño, prusisyon sa paligid ng Parish Church, pag-aalay ng kandila bago magsimula ang Misa at ang pagsasayaw ng imahe ng Sto.Niño. Lahat ng makikiisa ay inaanyayahan na magdala ng imahe ng Sto.Niño at magsuot ng Sto.Niño red shirt. Paki sama na din po natin ang mga maliliit na bata. Paki tandaan po ito.
2. Magkakaroon po tayo ng Advent Recollection sa December 6,2025 sa ganap na 7:30pm ng gabi na may Topic : " Paghihintay na may Pananabik at Pag-asa. Ito ay ibabahagi ni Rev. Fr. James Patrick Sampana. Inaanyayahan po ang lahat na dumalo. Paki tandaan po natin ito.
Paki tanda po natin ito.
4. Mga kapatid sa December 11,2025 Huwebes, magkakaroon po tayo ng Kumpisalang Bayan sa ganap na Ikapito ng gabi. Ito ay bilang paghahanda para sa nalalapit na paggunita sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo.
Ang lahat ng alay ay ipamamahagi sa mga kapatid natin na mas nangangailangan.
6. Ang Youth Council ng ating Parokya ay may booth na pinangalanang " Project Piso para sa Pasko ". Layon ng gawaing ito na magkaroon ng sapat na salapi para sa taunang Paskong Bulingit : Christmas Party for the Kids na gaganapin sa susunod na buwan. Maliban dito, magkakaroon din ng outreach program sa isang home for the Aged upang maipakita ang tunay na mensahe ng kapaskuhan na para sa lahat. Sa mga nais na magbigay, mangyari lamang na pumunta sa kanilang booth na makikita sa labas ng ating simbahan, sa tabi ng Devotional Store.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parish na Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong kalakbay,
Kura Paroko