1. Ang nalikom para sa My Gift of Ten (MGOT) Sunday para sa buwan ng September ay may kabuuang halaga na P 37,372. Samantala, ang halaga pong ito ay ginamit sa mga sumusunod na Pastoral Activities tulad ng Execom Meeting, Execom Preparations for the Synodal and Pastoral Visit of Bishop Mylo, PPC Meeting, Birthday of Mama Mary and Parish Youth Council activities. Ang kabuuang expenses ay umabot sa P 38,161. Ang kakulangan sa nakuhang MGOT sa buwan ng September ay kinuha sa mga buwan na may tira at nakakuha tayo ng P 789.00 para mabuo ang P 38, 161. Maraming salamat po sa inyong mga handog.
2. Ngayon po ay First Sunday of the Month. Bago ang final blessing, ang paring tagapagdiwang ng banal na misa ay mag-aanyaya sa mga kapatid nating nagdiriwang ng kanilang Birthday at Wedding Anniversaries para sa buwan na ito ng October. Mangyari lamang po na pumunta sa harap ng ating altar kapag tinawag.
3. " Ikaw ba ay creative at may puso sa paglilingkod gamit ang teknolohiya at social media? Marunong sa Canva, may camera para sa photos / videos, mahilig gumawa ng reels, magsulat, o willing matuto ng livestreaming at technical set-up? Nagsimula na po ang recruitment ng Social Communication Ministry (SOCCOM) na matatapos hanggang October 31, 2026, para sa may edad 16 yrs old pataas na nais maglingkod sa simbahan. Sa mga interesado, bisitahin ang kanilang Facebook Page : Sto.Niño de Taguig - Social Communication Ministry. Para sa iba pang katanungan, maaari pong makipag-ugnayan kay Bro. John Paul Lomonsod ( SOCCOM Coordinator ) o Kay Sis Pauline Psalm Sevilla o makipag-ugnayan sa opisina ng ating simbahan. Halina't gamitin ang inyong talento para kay Kristo !
4. Ang ating Parish Calendar 2027 ay available na po sa halagang 100 pesos lamang. Maaari na po kayong lumapit sa ating mga Greeters and Collectors na nasa malapit sa pintuan ng ating simbahan o kaya sa ating parish office at sa ating Devotional Store.
5. Magkakaroon po ang ating parokya ng Parish Pilgrimage sa November 14, 2026 (Sabado), sa mga piling simbahan at institusyon sa Diyosesis ng Imus, Probinsiya ng Cavite. Layunin nito ang pagpapalalim ng ating pananampalataya, pagsaksi sa kilos ng Diyos sa iba’t ibang komunidad, at pagpapatibay ng ating desisyong makiisa sa paglalakabay ng ating simbahan. Ang pilgrimage fee ay nagkakahalaga ng P1,500.
Gayundin, bilang bahagi ng ating parish pilgrimage, magkakaroon po tayo ng Outreach Program sa isang Home for the Elderly kung saan magbabahagi tayo ng munting handog sa mga lolo at lola na kanilang kinakalinga . Bukas po ang tanggapan ng ating parokya para sa mga nagnanais magbigay ng kanilang tulong pinansyal o gamit para sa mga matatanda.
Para sa karagdagang impormasyon at pagbabayad ng ticket sa parish pilgrimage, mangyaring magtungo po lamang sa ating Parish Office.
Nagpapasalamat at Nananawagan,
Rev. Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko