Skip to Content

September 27, 2026 Church Sunday Announcement

September 26, 2026 by
September 27, 2026  Church Sunday Announcement
Sto. Niño de Taguig Parish
| No comments yet

1. Ang nalikom na Special Financial Offering para sa Catechetical Day noong September 13, 2026 Sunday, P 36, 896. Maraming salamat po sa inyong mga handog.  Ang mga ito ay ipadadala sa Episcopal Commission on Catechists and Catholic Education para sa mga Katekista.

2. Ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang National Migrants Sunday, Kaugnay nito, lahat po ng Overseas Filipino Workers (OFW);  returnees sea fearers at ang kanilang pamilya ay inaanyayahan na magsimba tuwing ika-apat at kalahati ng hapon tuwing huling Linggo ng Buwan. Ang paring tagapagdiwang ay magbabasbas sa mga OFW at sa kanilang pamilya. Pagkatapos ng Misa, magtungo lamang po sa kanilang table sa labas ng ating simbahan para sa may mga katanungan.

3. Sa September 28, 2026, Lunes ang Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz. Narito po ang kaganapan sa araw na ito :

        4pm - Procession 

        5:30pm - Film Viewing ( about San Lorenzo Ruiz )

        6pm - Solemn Mass na pangungunahan  ng ating Kura Paroko Rev. Fr. Orlin Ordona kasama ang ating Parochial Vicar na si Rev. Fr. Mike Gazzingan. Ang lahat po ay inaanyayahan na dumalo at magsuot ng Filipiniana sa araw ng Kapistahan. Paki tandaan po natin ito.

4. Muli po ang paalaala na sa darating na Huwebes, October 1, 2026, unang Huwebes ng buwan ay gaganapin natin ang " Sto. Niño Day ". Ito ay naglalayon para sa mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron. Lahat ng makikiisa ay inaanyayahan na magdala ng imahe ng Sto.Niño at magsuot ng Sto.Niño red shirt. Paki sama na din po ang ating mga maliliit na bata. Paki tandaan po natin ito.

5. Bilang paghahanda sa ating paglalakbay sa daan patungo sa ika-apatnapung taong anibersaryo ng pagkakatatag ng ating Parokya, ninanais nating maitatag ang Our Lady of Lourdes Devotees. Hinihikayat po ang mga nais na maging mga bagong lingkod ng simbahan. Kaugnay nito, magkakaroon ng Mariology Seminar upang higit na makilala si Maria, huwaran ng mga alagad. Ito ay nagsimula na noong September 19, 2026 at matatapos hanggang Enero 2027, na gaganapin tuwing ika-tatlo at ika-apat na sabado, sa ganap na ika-siyam ng umaga hanggang tanghali. Ang magtatapos sa seminar na ito ay itatalaga bilang mga deboto ng Our Lady of Lourdes, na ang kapistahan ay kasabay ng pagkakatatag ng ating Parokya sa ika-11 ng Pebrero. Ang nagnanais na lumahok sa programang ito, makipag-ugnayan lamang sa mga pamunuan ng mga Legion of Mary.

6. Ang Extraordinary Ministers of the Holy Communion ay nag-aanyaya sa mga kwalipikadong kalalakihan na may edad 25 yrs.old hanggang 70 yrs old. Kung may asawa na, kailngan na ang kasal ay ginanap sa simbahang katoliko. Sa mga interesado, makipag-ugnayan na lamang po sa opisina ng ating parokya o sa kahit na sinong miyembro nito para sa karagdagang impormasyon.

7. Ang ating Parish Calendar 2027 ay available na po sa halagang 100 pesos lamang. Maaari na po kayong lumapit sa ating mga Greeters and Collectors na nasa malapit sa pintuan ng ating simbahan o kaya sa ating parish office at sa ating Devotional Store.

Nagpapasalamat at Nananawagan,

Rev. Fr. Orlin Ordona 

Kura Paroko 


Share this post
Sign in to leave a comment