Skip to Content

Vicariate of Sto. Niño de Taguig Parish - Kumpisalang Bayang 2026 Schedule

February 3, 2026 by
Vicariate of Sto. Niño de Taguig Parish - Kumpisalang Bayang 2026 Schedule
Sto Niño De Taguig Parish

ANO ANG SAKRAMENTO NG KUMPISAL

Ang Sakramento ng Pakikipagkasundo o ang Pangungumpisal ay isa sa pinaka-natatangi at napakagandang katangian ng Katolisismo. Si Hesukristo, sa kasaganaan ng Kanyang pagmamahal at awa, ang nagtatag ng Sakramento ng Kumpisal, upang tayong mga makasalanan ay magkamit ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at ng pakikipagkasundo sa Diyos at sa Simbahan. Ang sakramento ay “naghuhugas sa atin sa kalinisan” at pinagbabago tayo kay Kristo.Ayon sa turo ng ating Simbahan, "Ang pangungumpisal ang nagiging daan ng pagkakasundo ng makasalanan sa Diyos at sa Simbahan. (CCC 1468-70, 1496)" Kaya naman tayong mga Katoliko ay obligadong ikumpisal ang lahat ng ating mabigat na kasalanan. Iminumungkahi ng Simbahan na gawin ito isang beses sa isang taon. Dapat din mangumpisal bago tumanggap ng banal na Komunyon lalo na kung nakagawa ng mabigat na kasalanan (CCC 1457).

Paalala rin po para sa lahat, mamaya, sa ganap na ika-7 ng gabi, inaanyayahan ang lahat sa ating parokya na makiisa sa Kumpisalang Bayan. Ito ay bilang paghahanda sa ating mga puso at pagdadalisay sa ating mga kaluluwa upang tayo ay maging handa na tanggapin ang ating Panginoon sa Kanyang maluwalhating pagdating sa Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Share this post