Skip to Content

October 26, 2025 Church Sunday Announcement

October 25, 2025 by
October 26, 2025 Church Sunday Announcement
Sto Niño De Taguig Parish

October 25, 2025 - Announcement

1. Ngayong Linggo ay ipinagdiriwang natin ang Prison Awareness Sunday. Layunin nito na itaas ang ating kamalayan at kaalaman tungkol sa mga paghihirap na dinaranas ng ating mga kapatid na nasa kulungan. Kaugnay po nito at bilang pagsuporta, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Ang malilikom na halaga ay ipadadala sa Catholic Bishop's Conference of the Philippines - Episcopal Commission on Prison Pastoral Care upang makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan, pag-aalaga at espiritwal na pangangailangan ng mga bilanggo habang sila ay nasa kulungan. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.

2. Ang nalikom na Special Financial Offering para sa My Gift of Ten Sunday noong October 19,2025, Sunday, ay P42,422. Maraming salamat po sa inyong mga handog. Ang halagang ito ay patuloy nating ginagamit sa marami nating Parish Programs.

3. Mga kapatid nalalapit na po ang pagdiriwang natin ng Undas para sa mga minamahal nating yumao. Kaugnay nito mayroon na po tayong mga Envelopes for the Souls na maaaring ihulog sa tumba sa harapan ng ating altar. Ang mga ito ay sisimulang bendisyunan ng mga Pari simula sa November 1,2025.

4. Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Undas, magkakaroon po tayo ng Misa sa ating "lagakan" o "Ossuary" sa November 1,2025, Sabado, sa ganap na ika-siyam ng umaga. Ang lahat po ay inaanyayahan na dumalo.

5. Sa darating na November 29,2025, Sabado, magkakaroon po tayo ng Dinner and Music for a Cause sa Sto.Niño Catholic School Covered Court. Ito po ay isang fund-raising project bilang suporta sa ating Parish Programs kasama na ang mga programa para sa ating nalalapit na parish fiesta. Katatampukan din po ito ng mga piling pari ng ating Diyosesis na aawit para sa atin. Ang mga pari ay sina Fr. Cedric Miralles, Fr, Tofee de Leon, Fr. Alberrt Absalon, Fr. Daniel Estacio, Fr, Robert Legaspi, Fr. Tirso Gliponeo at Fr. Orlin Ordona. Halina at tumulong tayo sa programang ito. Ang bawat ticket po ay nagkakahalaga ng P1,000. Lapitan lamang po ninyo ang booth ng Parish Finance Council sa labas ng ating simbahan o magsadya sa ating Parish Office.

6. Ang Extraordinary Ministers of the Holy Communion ay nag-aanyaya sa mga nagnanais na maging miyembro ng kanilang Ministry na may edad 25yrs old hanggang 70yrs.old. Sa mga interesado, makipagugnayan na lamang po kayo sa opisina ng ating Parokya o sa kahit sinong miyembro nito para sa karagdagang impormasyon.

7. Ang Missionary Families of Christ (MFC) ng Chapter 3, ay magkakaroon ng Christian Life Seminar (CLS). Ito ay para sa mga mag-asawa na kasal sa simbahan at sa mga di pa kasal na gustong magpakasal sa simbahan. Ito ay gaganapin sa November 15 & 16, 2025, sa San Lorenzo Ruiz Chapel. Sa mga interesado makipagugnayan lamang po sa kanilang miyembro na si Bro. Fredelito Orlanda o pumunta sa kanilang coffee table sa harap ng ating simbahan.

8. Ang Sto.Niño De Taguig Parish ay nananawagan sa mga nurse o may alam sa First Aid na nais mag volunteer sa First Aid Center ng 5am at 3 - 5pm. Makipagugnayan po sa First Aid Center tuwing Linggo sa mga oras ng misa.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.

Ang inyong kalakbay,

Rev.Fr. Orlin Ordona

Kura Paroko

Share this post