Mga Pabatid: Announcements
August 16, 2025 Anticipated Mass
August 17, 2025 All Sunday Masses (SNDTP and Chapels)
- Ngayong Linggo ay My Gift of Ten Sunday. Muli nating kinikilala ang pangangailangan ng pagsuporta sa mga pastoral programs ng ating Parokya. Kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ang nalikom sa Special Financial Offering para sa Saint John Marie Vianney Sunday noong August 10,2025 Sunday P 37,852.Narito po ang breakdown:
Our Lady of Fatima Chapel - 5,664
Divine Mercy Chapel - 800
San Lorenzo Ruiz Chapel - 2,382
Sto.Niño Parish - 29,006
Total = 37,852
Ito po ay ipadadala natin sa Commission on Clergy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang support sa mga paghuhubog ng mga pari sa buong Pilipinas.
3. Ang kaarawan ni Mama Mary ay sa September 8,2025. Lunes. Upang mas masigla nating maipagdiwang ito, gaganapin natin ang kaarawan ng ating Mahal na Ina sa September 6, Sabado, sa ganap na Ika-6 ng gabi na Misa. Kaugnay nito, inaanyayahan po ang lahat na mag-alay ng cake, puto, bibingka, pansit, palabok, spaghetti, at iba pa po na pagsasaluhan pagkatapos ng nasabing Misa.
4.Tayo po ay magkakaroon ng Kasalang Parokya sa darating na October 18, 2025. Hinihikayat po ang lahat na hindi pa kasal sa simbahan o nagsasama na ng limang taon o higit pa na magpalista na. Ang deadline ng registration ay sa September 14,2025. Para sa karagdagang impormasyon makipagugnayan na lamang po sa opisina ng ating Parokya.
5. Ang Singles for Christ ng ating Parokya ay taos-pusong nag-aanyaya sa lahat ng mga binata at dalagang may edad na 20yrs.old pataas na makibahagi sa kanilang Christian Life Program (CLP) na magsisimula sa September 6,2025, Sabado. Para sa karagdagang impormasyon, inaanyayahan po kayo na bisitahin ang kanilang booth sa harap ng ating parish church simula 6am hanggang 8pm tuwing araw ng Linggo.
6. Ang Holy Name Society ay naghahanap ng bagong kasapi na may edad 13 to 19 yrs.old (Junior member) at 20 to 60yrs.old (Adult member), Katoliko at handang maglingkod sa Panginoon..Para sa mga interesado, makipag-ugnayan na lamang kay Bro.Edwin Fabellar (President) o umattend sa kanilang meeting tuwing ikatlong Linggo ng bawat buwan, sa ganap na ika-sampu ng umaga sa 2nd Floor ng Parish Formation Center
7. Ang ating Volunteer Catechists ay naghahanap ng bagong kasapi na may edad na 17yrs.old pataas na may bukas na puso sa paglilingkod at may hilig na magbahagi ng Katesismo sa mga kabataan. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lamang po ang kanilang booth sa labas ng ating parish church katabi ng Devotional store.
ADDITIONAL ANNOUNCEMENTS
- Ngayong Linggo ay My Gift of Ten Sunday. Muli nating kinikilala ang pangangailangan ng pagsuporta sa mga pastoral programs ng ating Parokya. Kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ang nalikom sa Special Financial Offering para sa Saint John Marie Vianney Sunday noong August 10,2025 Sunday P 37,852. Ito po ay ipadadala natin sa Commission on Clergy ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang support sa mga paghuhubog ng mga pari sa buong Pilipinas.
3. Ang kaarawan ni Mama Mary ay sa September 8,2025, Lunes. Upang mas masigla nating maipagdiwang ito, gaganapin natin ang kaarawan ng ating Mahal na Ina sa September 6, Sabado, sa ganap na Ika-6 ng gabi na Misa. Kaungay nito, inaanyayahan po ang lahat na mag-alay ng cake, puto, bibingka, pansit, palabok, spaghetti, at iba pa po na pagsasaluhan pagkatapos ng nasabing Misa.
4.Tayo po ay magkakaroon ng Kasalang Parokya sa darating na October 18, 2025. Hinihikayat po ang lahat na hindi pa kasal sa simbahan o nagsasama na ng limang taon o higit pa na magpalista na. Ang deadline ng registration ay sa September 14,2025. Para sa karagdagang impormasyon makipagugnayan na lamang po sa opisina ng ating Parokya.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong kalakbay,
Rev. Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko