1. Noong October 19,2025, Sunday, Ipinagdiwang po natin ang World Mission Sunday. Binigyang pansin natin ang misyon ng simbahan sa buong daigdig. Kaugnay nito magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Ang malilikom na halaga ay ipadadala sa Office of Oeconomus. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ngayong Linggo ay First Sunday of the Month. Bago ang final blessing, ang paring tagapagdiwang ng banal na misa ay mag-aanyaya sa mga kapatid nating magdiriwang ng kanilang Birthday at Wedding Anniversaries para sa buwan na ito ng Nobyembre. Mangyari lamang po na pumunta sa harap ng ating altar.
3. Muli po ang paalaala na sa darating na Huwebes , November 6,2025, unang Huwebes ng buwan ay gaganapin natin ang "Sto.Niño Day". Ito ay naglalayon para sa mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron sa pagmamagitan ng mga banal na gawain tulad ng pagno-novena sa Sto.Nino, prusisyon sa paligid ng Parish Church, pag-aalay ng kandila bago magsimula ang Misa at ang pagsasayaw ng imahe ng Sto.Niño. Lahat ng makikiisa ay inaanyayahan na magdala ng imahe ng Sto.Niño at magsuot ng Sto.Niño red shirt. Paki sama na din po natin ang mga maliliit na bata. Paki tandaan po ito.
4. Sa November 8,2025, Sabado, magkakaroon po tayo ng Parish Monthly Formation sa ganap na Ikapito at kalahati ng gabi (7:30pm) na may topic : Articles of Faith Series, Series # 1 - I Believe in God, The Father Almighty, Creator of Heaven and Earth - God is our all - powerful Father who made everything. Ito ay ibabahagi ni Bro. Juan Samuel David M.Lara, seminarian from Ina ng mga Dukha Parish, nagtapos ng college sa San Carlos Seminary at currently on the Regency Program. Inaanyaya po ang lahat na dumalo.

6. Ang ating Parish Calendar 2026 ay available na po sa halagang 100 pesos, maaari na po kayong bumili sa ating mga Greeters and Collectors na nasa malapit sa pintuan ng ating simbahan o kaya sa ating Parish Office.
7. Ang Missionary Families of Christ (MFC) ng Chapter 3, ay magkakaroon ng Christian Life Seminar (CLS). Ito ay para sa mga mag-asawa na kasal sa simbahan at sa mga di pa kasal na gustong magpakasal sa simbahan. Ito ay gaganapin sa November 15 & 16,2025, sa San Lorenzo Ruiz Chapel. Sa mga interesado makipagugnayan lamang po sa kanilang miyembro na si Bro. Fredelito Orlanda o pumunta sa kanilang coffee table sa harap ng ating simbahan.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Rev.Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko