October 12, 2025 Announcement
1. Ngayong Linggo ay ating Ipinagdiriwang ang Linggo ng mga katutubo o Indigenous People’s Sunday. Sa Linggong ito at sa buong buwan ng Oktubre malugod nating kikilalanin at ipapahayag ang pag-asa na bumubukal mula sa ating Pananampalataya kay Kristo Hesus na dumadaloy sa biyayang hatid ng Lupaing Ninuno ng mga katutubo. Kaugnay nito ay magkakaroon tayo ng Special Financial Offering. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
- 2. Ang nalikom sa Special Financial Offering para sa National Seafarer's Sunday at Migrants Sunday noong nakaraang Linggo, October 5,2025 ay P 56,848. Narito po ang breakdown :
Our Lady of Fatima Chapel - 8,013.00
Divine Mercy Chapel - 675.00
San Lorenzo Ruiz Chapel - 3,055.00
Sto.Niño Parish - 45,105.00
Total = 56,848.00
Ang nalikom na halaga ay ating ireremit sa Finance Office ng ating Diocese.
3. Sa darating na October 18,2025, Sabado, gaganapin po ang Kasalang Parokya sa ganap na ika-dalawa ng hapon. Marami po ang mga ikakasal pati na rin ang kanilang mga tagapagtangkilik. Kaugnay nito, pinapaalam po na wala munang maaaring mag-park ng mga sasakyan sa parish parking area simula sa tanghali, maliban na lamang sa mga kasapi sa Kasalang Parokya. Ang mga nagnanais na magpa-park sa araw na nabanggit na hindi kasali sa kasalang Parokya ay pinakikiusapang maghanap muna ng ibang parking area. Pakitandaan po natin ito.
4. Ang Evangelization and Lay Formation Ministry ng ating Parokya ay magsasagawa ng Catholic Life in the Spirit Seminar o CLSS para sa mga Parish Servants na hindi pa nakakadalo sa ganitong Seminar. Ito ay gaganapin simula 7:30am hanggang 5:00pm sa dalawang magkasunod na Sabado, Oct. 18 and 25, 2025. Sa lahat ng mga interesadong Parish Servants, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong organization head o kina Sis. Gina Reyes and Sis. Tess Lopez, o magsadya sa ating parish office.
5. Nalalapit na po ang ang pagdiriwang natin ng Undas para sa mga minamahal nating yumao. Kaugnay nito mayroon po tayong Envelopes for the Soul na maaaring ihulog sa tumba sa harapan ng ating altar. Ang mga ito ay sisimulang bendisyunan ng mga Pari simula Nov. 1.
6. Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Undas, magkakaroon po ng Misa sa ating "lagakan" o "Ossuary" sa Nov.1,2025, Sabado, sa ganap na ika-siyam ng umaga. Ang lahat po ay inaanyayahan na dumalo.
7. Sa darating na November 29, Sabado, magkakaroon tayo ng Dinner and Music for a Cause sa Sto.Niño Catholic School Covered Court. Ito po ay isang fund-raising project bilang suporta sa ating Parish Programs kasama na ang mga programa para sa ating nalalapit na parish fiesta. Katatampukan din ito ng mga piling pari ng ating diyosesis na aawit para sa atin. Halina at tumulong tayo sa programang ito. Ang bawat ticket ay nagkakahalaga ng P1,000. Lapitan lamang po ninyo ang booth ng Parish Finance Council sa labas ng simbahan o magsadya sa ating Parish office.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong Kalakbay
Rev. Fr. Orlindo F. Ordoña
Kura Paroko