Skip to Content

October 19, 2025 Church Sunday Announcement

October 18, 2025 by
October 19, 2025 Church Sunday Announcement
Sto Niño De Taguig Parish

October 19, 2025 Sunday

1. Ngayong Linggo ay My Gift of Ten Sunday. Ito ang Linggo ng pagkilala at pagsuporta natin sa mga programa ng ating Parokya. Kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering para tustusan ang ating mga Parish Programs lalo na sa buwan na ito ng Oktubre tulad ng parish monthly formation, youth formation, All Saints’ Day activities, Catholife Life in the Spirit Seminar, Living Rosary, at iba pa. Pakihanda na lamang po ang inyong mga handog.

2. Ang nalikom sa Special Financial Offering para sa Indigenous People’s Sunday noong nakaraang Linggo, October 12,2025, ay P 45,953. Narito po ang breakdown :

     Our Lady of Fatima Chapel - 7,463

     Divine Mercy Chapel            -   822

     San Lorenzo Ruiz Chapel    - 3,072

     Sto.Niño Parish                    - 34,596

                                         Total = 45,953

Ito po ay ire-remit natin sa CBCP Episcopal Commission on Indigenous People.  Maraming salamat po.


3. Mga kapatid nalalapit na po ang pagdiriwang natin ng Undas para sa mga minamahal nating yumao. Kaugnay nito mayroon na po tayong mga Envelopes for the Souls na maaaring ihulog sa tumba sa harapan ng ating altar. Ang mga ito ay sisimulang bendisyunan ng mga Pari simula sa November 1,2025. 

4. Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Undas, magkakaroon po tayo ng Misa sa ating "lagakan" o "Ossuary" sa Nov.1,2025, Sabado, sa ganap na ika-siyam ng umaga. Ang lahat po ay inaanyayahan na dumalo.

5. Nalalapit na rin po ang Kapistahan ng mga Banal, o "All Saints’ Day." Kaugnay nito magkakaroon po tayo ng "Holy-Ween" Parade of Saints. Inaanyayahan ang lahat lalo na po ang mga kabataan na magbihis ng Santo o Santa sa darating na Linggo October 26 para sa parade sa ganap na ika-dalawa ng hapon na iikot sa ating Parish grounds.  Ang culmination ng parade of Saints ay ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa ikatlo ng hapon. Sa mga lalahok  sa activity na ito, makipag-ugnayan lang po kay Sis Emma ng Legion of Mary at sa mga Youth Volunteer Catechists sa lalong madaling panahon.

6. Sa darating na Nov.29, Sabado, magkakaroon tayo ng Dinner and Music for a Cause sa Sto.Niño Catholic School Covered Court. Ito po ay isang fund-raising project bilang suporta sa ating parish programs kasama na ang mga programa para sa ating nalalapit na parish fiesta. Katatampukan din po ito ng mga piling pari ng ating Diyosesis na aawit para sa atin. Halina at tumulong tayo sa programang ito. Ang bawat ticket po ay nagkakahalaga ng P1,000. Lapitan lamang po ninyo ang booth ng Parish Finance Council sa labas ng ating simbahan o magsadya sa ating parish office.

7. Ang Extraordinary Ministers of the Holy Communion ay nag-aanyaya sa mga nagnanais na maging miyembro ng kanilang Ministry na may edad 25yrs.old hanggang 70yrs.old. Sa mga interesado, makipagugnayan na lamang po kayo sa opisina ng ating Parokya o sa kahit sinong miyembro nito para sa karagdagang impormasyon.

8. Ang Missionary Families of Christ (MFC) ng Chapter 3, ay magkakaroon ng Christian Life Seminar (CLS). Ito ay para sa mga mag-asawa na kasal sa simbahan at sa mga di pa kasal na gustong magpakasal sa simbahan. Ito ay gaganapin sa November 15 & 16,2025, sa San Lorenzo Ruiz Chapel. Sa mga interesado makipag-ugnayan lamang po sa kanilang miyembro na si Bro. Fredelito Orlanda o pumunta sa kanilang coffee table sa harap ng ating Simbahan.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parish ng Sto.Niño de Taguig .

Ang inyong kalakbay,

Rev.Fr. Orlin Ordona

Kura Paroko


Share this post