Skip to Content

October 5, 2025 Church Sunday Announcement

October 4, 2025 by
October 5, 2025 Church Sunday Announcement
Sto Niño De Taguig Parish

October 5,2025 - Chuch Sunday Announcement

1. Noong nakaraang Linggo, Ipinagdiwang po natin ang National Seaferer's Day at Migrants Sunday. Ang ating mga Pilipinong Seaferer's ay ating inaalaala dahil sa kanilang partikular na trabaho sa dagat.  Sila ang kadalasang napagkakaitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa. Ang mga migranteng Pilipino naman ay ang ating mga kababayang nakikipagsapalaran sa ibang bansa.  Idalangin natin ang kanilang kaligtasan at ang biyaya ng Espiritu Santo para sa mas malalim na bigkis ng pagmamahalan at pagkakaisa sa kanilang mga pamilya. Nawa'y manatili silang matatag sa kanilang pananampalataya at maging saksi bilang isang Kristiyano Katoliko sa lahat ng pagkakataon. Bilang pagsuporta, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.

2. Ang nalikom sa Special Financial Offering para sa mga nasalanta ng bagyo noong September 28,2025, Sunday P63,218. Narito po ang breakdown :

     Our Lady of Fatima Chapel - 6,688.00

     Divine Mercy Chapel            - 485.00

     San Lorenzo Ruiz Chapel    - 5,596.00

     Sto.Niño Parish                    - 50,449.00

                                       Total = 63,218.00

Ang nalikom na halagang ito ay ipinagkatiwala na natin sa Social Services and Development Ministry ng ating diyosesis upang ipamahagi agad sa mga kapatid nating nasalanta ng bagyo.  Salamat po sa inyong mga tulong

3. Ngayong Linggo ay First Sunday of the Month. Bago ang final blessing, ang paring tagapagdiwang ng banal na misa ay mag-aanyaya sa mga kapatid nating nagdiriwang ng kanilang Birthday at Wedding Anniversaries para sa buwan na ito ng October. Mangyari lamang po na pumunta sa harap ng ating altar kapag tinawag na po.

4. Ang Extraordinary Ministers of the Holy Communion ay nag-aanyaya sa mga nagnanais na maging miyembro ng kanilang Ministry na may edad 25 yrs.old hanggang 70 yrs.old.  Sa mga interesado, makipagugnayan na lamang po kayo sa opisina ng ating Parokya o sa kahit sinong miyembro eucharistic ministers para sa karagdagang impormasyon.

5.  Sa darating na Nov. 29, Sabado, magkakaroon tayo Dinner and Music for a Cause sa Sto. Nino Catholic School Covered Court.  Ito po ay isang fund-raising project bilang suporta sa ating parish programs kasama na ang mga programa para sa ating nalalapit na parish fiesta.  Katatampukan din ito ng mga piling pari ng ating diyosesis na aawit para sa atin  Halina at tumulong tayo sa programang ito. Ang bawat ticket dito ay nagkakahalaga ng P1,000.  Lapitan lamang po ninyo ang booth ng Parish Finance Council sa labas ng simbahan o magsadya sa ating parish office.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ang Sto.Niño de Taguig.

Rev.Fr. Orlin Ordona 

Kura Paroko  

Share this post