Pabatid: Announcement
September 21, 2025
1. Ngayon Linggo ay My Gift of Ten Sunday. Ito ang lingo ng pagkilala at pagsupora natin sa mga programa ng ating Parokya. Kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering para tustusan ang ating mga Parish Programs. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ang nalikom na Special Financial Offering para sa Catechetical Day noong September 14,2025 Sunday P 40,691. Narito po ang breakdown:
Our Lady of Fatima Chapel - 5,480
Divine Mercy Chapel - 678
San Lorenzo Ruiz Chapel - 3, 237
Sto. Niño Parish - 31,296
Total = 40,691
Ito po ay ipadadala sa Episcopal Commission on Catechist and Catholic Education para sa mga Katekista .
3. Sa September 28,2025 Linggo ang Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz. Narito po ang kaganapan sa araw na ito :
6am - Procession
8am - Formation ( Life of San Lorenzo Ruiz)
9am - Solemn Mass na pangungunahan ng ating Kura Paroko Rev. Fr. Orlin Ordona kasama ang ating Parochial Vicar na si Rev. Fr. Cedric Miralles. Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa kapistahan ni San Lorenzo Ruiz. Paki tandaan po ito.
4. Ang Sto.Niño de Taguig Men's Choir, ang kauna-unahang " All Male Choir Group sa Lungsod ng Taguig", ay kasalukuyang naghahanap ng mga kalalakihan na may edad na 17yrs.old pataas na may hilig sa pag-awit at handang matuto sa musika at pag-awit . Kung sino man ang interesado, makipagugnayan na lamang po Kay Bro.Dom De Ocampo Daigo, ang Men's Choir Conductor, tuwing pagkatapos ng 6pm Mass sa ating Parokya o mag-message sa kanilang Facebook page na Sto.Niño de Taguig Men's Choir.
5. Iniimbitahan po ang may edad na Labing-Walong taong gulang pataas na nais mag-aral ng Japanese, Korean, Spanish at English na Lenguwahe sa Tesda. Libre lamang po ito. Para sa karagdagang impormasyon magpunta lamang po sa opisina ng ating Parokya.
6. Ang Knights of Columbus Sto.Niño Council 11444 ay nag-aanyaya sa mga kalalakihan na may edad na 18yrs.old pataas na Katoliko na sumapi sa kapatiran ng mga Kabalyero o Knights of Columbus, na may layuning makapaglingkod sa Simbahan, Pamilya at Pamayanan. Inaanyayahan po na magpatala sa labas ng ating simbahan kung saan matatagpuan ang kanilang booth.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong kalakbay,
Rev. Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko