Mga Pabatid : Announcement
September 27, 2025
1. Nitong mga nakaraang araw, lahat tayo ay nahirapan sa bagyong Opong. Subalit marami sa ating mga kababayan ang higit na nahihirapan hanggang ngayon. Bilang pagtulong sa kanila, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering. Ang malilikom na halaga ay itutulong natin sa kanila. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ang nalikom na Special Financial Offering para sa My Gift of Ten Sunday noong September 21,2025 Sunday P39,596. Narito po ang breakdown :
Our Lady of Fatima Chapel - 6,328
Divine Mercy Chapel - 909
San Lorenzo Ruiz Chapel - 3,276
Sto.Niño Parish - 29,683
Total = 39,596
Maraming salamat po sa inyong mga handog. Ang halagang ito ay patuloy nating ginagamit sa marami nating Parish Program.
3. Muli po ang paalaala na sa darating na Huwebes, October 2, unang Huwebes ng buwan ay gaganapin natin ang "Sto.Niño Day." Ito ay naglalayon para sa mas malalim na pagdedebosyon sa ating mahal na patron. Lahat po ng makikiisa ay inaanyayahan na magdala ng imahe ng Sto.Niño at magsuot ng Sto.Niño Red shirt. Paki sama na din po natin ang mga maliliit na bata. Paki tandaan po natin ito.
4. Ang Sto.Niño De Taguig Parish ay nananawagan sa mga nurse o may alam sa First Aid na nais mag volunteer sa First Aid Center ng 5am at 3-5pm. Makipagugnayan po sa First Aid Center tuwing Linggo sa mga oras ng Misa.
5. Ang Sto.Niño de Taguig Men's Choir, ang kauna-unahang "All Male Choir Group sa Lungsod ng Taguig," ay kasalukuyang naghahanap ng mga kalalakihan na may edad na 17yrs.old pataas na may hilig sa pag-awit at handang matuto sa musika at pag-awit. Kung sino man ang interesado, makipagugnayan na lamang po Kay Bro Dom De Ocampo Daigo, ang Men's Choir Conductor, tuwing pagkatapos ng 6pm Mass sa ating Parokya o mag-message sa kanilang Facebook page na Sto.Niño de Taguig Men's Choir.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong kalakbay,
Rev.Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko