1. Ngayong Linggo ay My Gift of Ten Sunday. Ito ang Linggo ng pagkilala at pagsuporta natin sa mga programa ng ating Parokya. Kaugnay nito, magkakaroon po tayo ng Special Financial Offering para tustusan ang ating mga Parish Programs lalo na ang buwan ng Nobyembre tulad ng Parish Monthly Formation, Youth Formation, All Saint's Day Activities, Christ the King at iba pa. Paki handa na lamang po ang inyong mga handog.
2. Ngayon Linggo ay Reyna Juana Sunday, pagkatapos ng banal na misa paki bisita po ang kanilang booth sa labas ng ating parish church at ipakita natin ang ating suporta sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga tinitinda at gayundin ang kanilang mga tickets. Salamat po.
3. Sa darating na November 23, 2025, Linggo ay ating ipagdiriwang ang Kapistahan ni Kristong Hari o Christ the King Sunday, kaugnay nito magkakaroon po tayo ng vigil simula ika-siyam ng umaga sa Our Lady of Fatima Chapel, Brgy. South Signal at ang ating Solemn Procession ay sa ganap na ika-tatlo ng hapon. Ang lahat po ay iniimbitahan na magdala ng kandilang may pansalo para sa nasabing prusisyon. Narito po ang ating ruta sa Solemn Procession next Sunday, 3:00 ng hapon; Simula Our Lady of Fatima Chapel, kanan ng General Espino St., kanan ng Ballecer St., kaliwa pababa ng Ballecer St., kaliwa ng Miranda St., kana ng Rongo St., kaliwa ng MRT St., kanan ng 8th St., kaliwa ng Sampaloc St., at kanan papasok ng ating Parokya. Paki tingnan na lamang po ng tarpaulin na nasa labas ng ating simbahan.
4. Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng na ito, ilagay po ninyo sa mga bintana o gate ng inyong tahanan ang larawan ni Kristong Hari. Ito po ay ang inyong pagpapahayag na si Kristo ang naghahari sa ating buhay at tahanan. Be proud of our Catholic faith.
5. Muli po ang paanyaya sa lahat para sa nalalapit nating Dinner and music for a cause sa darating na November 29,2025, Sabado, na gaganapin sa sa Sto.Niño Catholic School Covered Court. Ito po ay isang fund-raising project bilang suporta sa ating Parish Programs kasama na ang mga programa para sa ating nalalapit na parish fiesta. Katatampukan din po ito ng mahal na pari ng ating Diyosesis at Parokya na aawit para sa atin. Ang mga pari ay sina Fr. Cedric Miralles, Fr. Toffee de Leon, Fr. Albert Absalon, Fr. Daniel Estacio, Fr. Robert Legaspi, Fr. Tirso Gliponeo at Fr. Orlin Ordona. Halina at tumulong tayo sa programang ito. Ang bawat ticket ay nagkakahalaga ng P1,000 kasama na ang dinner. Lapitan lamang po ninyo ang booth ng Parish Finance Council sa labas ng ating simbahan o magsadya sa ating Parish Office.
6. Ang Sto. Niño De Taguig ay magkakaroon ng libreng legal service na gaganapin sa ika-22 ng Nobyembre mula ika-siyam ng umaga hanggang tanghali hintayin na lang po ang tarpaulin sa labas ng ating parokya.
7. Ang ating Parish Calendar 2026 ay available na po sa halagang 100 pesos, maaari na po kayong bumili sa ating mga Greeters and Collectors na nasa malapit sa pintuan ng ating simbahan o sa Devotional Store at sa ating Parish Office.
8. Sa darating na November 22, 2025, Sabado, ang ating anticipated Mass ay magiging 5pm upang bigyan daan ang programa ng Kaarawan ni Fr. Orlin at ang Sacerdotal Anniversary ni Fr. Cedric. Paki tandaan po ito.
9. Ang Youth Council ng ating Parokya ay may booth na pinangalanang “Project piso para sa Pasko”. Layon ng gawaing ito na magkaroon ng sapat na salapi para sa taunang Paskong Balunggit: Christmas Party for the Kids na gaganapin sa susunod na buwan. Maliban dito, magkakaroon din ng outreach program sa isang home for the aged upang maipakita ang tunay na mensahe ng kapaskuhan na para sa lahat. Sa mga nais na magbigay, mangyari lamang na pumunta sa kanilang booth na makikita sa labas ng ating simbahan, sa tabi ng devotional store. Maraming salamat po.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.
Ang inyong kalakbay,
Rev. Fr. Orlin Ordona
Kura Paroko