Skip to Content

November 9, 2025 Sunday Announcement

November 8, 2025 by
November 9, 2025 Sunday Announcement
Sto Niño De Taguig Parish

1. Sa darating na Linggo November 23,2025 ay ating ipagdiriwang ang Kapistahan ni Kristong Hari o Christ the King Sunday, kaugnay nito magkakaroon po tayo ng vigil simula ika-siyam ng umaga sa Our Lady of Fatima Chapel, Brgy. South Signal at ang ating Solemn Procession ay sa ganap na ika-tatlo ng hapon. Ang lahat po ay iniimbitahan na magdala ng kandilang may pansalo para sa nasabing prusisyon.  Narito po ang ating ruta sa Solemn Procession next Sunday, 3:00 ng hapon; Simula Our Lady of Fatima Chapel, kanan ng General Espino St., kanan ng Ballecer St., kaliwa pababa ng Ballecer St., kaliwa ng Miranda St., kana ng Rongo St., kaliwa ng MRT St., kanan ng 8th St., kaliwa ng Sampaloc St., at kanan papasok ng ating Parokya. Paki tingnan na lamang po ng tarpaulin na nasa labas ng ating simbahan.

2. Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng na ito, ilagay po ninyo sa mga bintana o gate ng inyong tahanan ang larawan ni Kristong Hari. Ito po ay ang inyong pagpapahayag na si Kristo ang naghahari sa ating buhay at tahanan. Be proud of our Catholic faith.

3. Muli po ang paanyaya sa lahat para sa nalalapit nating Dinner and music for a cause sa darating na November 29,2025, Sabado,  na gaganapin sa sa Sto.Niño Catholic School Covered Court. Ito po ay isang fund-raising project bilang suporta sa ating Parish Programs kasama na ang mga programa para sa ating nalalapit na parish fiesta. Katatampukan din po ito ng mahal na pari ng ating Diyosesis at Parokya na aawit para sa atin. Ang mga pari ay sina Fr. Cedric Miralles, Fr. Toffee de Leon, Fr. Albert Absalon, Fr. Daniel Estacio, Fr. Robert Legaspi, Fr. Tirso Gliponeo at Fr. Orlin Ordona. Halina at tumulong tayo sa programang ito. Ang bawat ticket ay nagkakahalaga ng P1,000 kasama na ang dinner. Lapitan lamang po ninyo ang booth ng Parish Finance Council sa labas ng ating simbahan o magsadya sa ating Parish Office.

4. Ang ating Parish Calendar 2026 ay available na po sa halagang 100 pesos, maaari na po kayong bumili sa ating mga Greeters and Collectors na nasa malapit sa pintuan ng ating simbahan o sa Devotional Store at sa ating Parish Office.

5. Sa darating na November 22,2025, Sabado, ang ating anticipated Mass ay magiging 5pm upang bigyan daan ang programa ng Kaarawan ni Fr. Orlin at ang Sacerdotal Anniversary ni Fr. Cedric. Paki tandaan po ito.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa ating Parokya ng Sto.Niño de Taguig.

Ang inyong kalakbay,

Rev. Fr. Orlin Ordona

Kura Paroko

Share this post